Kawanggawa sa Lipunan - Pagbibigay ng Patas na Oportunidad

Ang aming misyon ay ang magbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, anuman ang kanilang kultura, relihiyon,
o etniko, at tulungan silang makamit ang kanilang potensyal.

Pagpapahusay sa Edukasyon at Kaalaman

Nagsasagawa ng mga proyekto para tulungan ang mga indibidwal na magkaroon ng mahusay na edukasyon at mahahalagang kakayahan

Internasyonal na Tulong

Nakikipagtulungan sa mga aktibong lokal at internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga komunidad

Layunin naming magkaroon ng positibong epekto sakalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang Aming mga Pinakabagong Misyon

post-image

XM Namigay ng Computers sa Paaralan sa Vietnam

Ipinaskil Marso 19, 2024 ng 9:51 AM GMT

Noong Disyembre 20, 2023, nakipagtulungan ang XM sa Nuôi Em Project para mamahagi ng bagong teknolohiya sa Highlands ng Vietnam. Dahil sa ibinigay naming 15 computer, lalawak ang kaalaman sa teknolohiya ng mga mag-aaral sa Son La, Vietnam. Bumisita kami sa Chieng Chung school para kausapin ang punongguro at mga guro upang mas maintindihan ang mga naiibang pagsubok na kinakaharap ng mga estudyante dito. Tumulong din ang team namin sa pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano gamitin ang computer at [..]

post-image

Ayuda ng XM sa Pagpapaganda ng Buhay sa Egypt

Ipinaskil Pebrero 23, 2024 ng 9:05 AM GMT

Nitong Enero 3, 2024, tumulong ang XM sa Haya Karima, isang organisasyon sa Cairo na may layuning pabutihin ang kalidad ng buhay sa tulong ng edukasyon. Malaking bagay ang ibinigay naming donasyon para bumuti ang sistema ng edukasyon at makapagsagawa ng mas marami pang klase para sa mga kapus-palad na bata, at masiguro na sapat ang bilang ng mga guro. Tungkol sa Haya Karima Ang Haya Karima (na nangangahulugang Disenteng Buhay) ay isang pambansang inisyatiba na inilunsad noong Oktubre 22, [..]

post-image

XM Itinaguyod ang Pagnenegosyo ng mga Kabataan

Ipinaskil Enero 26, 2024 ng 9:09 AM GMT

Bilang bahagi ng aming CSR, inorganisa kamakailan ng XM ang programang Ang Kinabukasan Ko, Ang Pangarap Kong Trabaho sa Thailand. Sa pakikipagtulungan sa Education for Development Foundation (EDF), tumutok ang programa sa pagtuturo sa mga kapus-palad na estudyante ng mahalagang kaalaman tungkol sa pagtatrabaho at pamumuhay. Ang inisyatibang ito ay nagtataglay ng iba’t-ibang mahahalagang parte. Una, sinikap naming hanapin ang nararapat na eskwelahan para masigurado na masusulong ng proyekto ang pagiging malikhain at interes sa negosyo ng mga mag-aaral. Pagkatapos [..]

post-image

Bumisita ang XM sa isang Ampunan sa Selangor

Ipinaskil Enero 23, 2024 ng 8:01 AM GMT

Nakapukaw sa aming damdamin ang kolaborasyon na inorganisa namin sa aming headquarters sa Cyprus, kung saan nakipagtulungan kami sa We Listen Malaysia Organisation sa Selangor upang suportahan ang bahay-ampunan na Cahaya Kasih Bestari Care Centre sa napakarangal nitong layunin. Mula sa bigas, oyster sauce, manok, hanggang sa sabon, diaper, mga gamit pang-eskwela at bentilador, pati mga washing machine, siguradong makakatulong ang mga ibinahagi naming kagamitan sa pagpapabuti ng buhay ng mga kabataan. Pumunta sa Malaysia ang aming team mula sa [..]

post-image

XM at BenihBaik Tumulong sa mga Kapus-palad

Ipinaskil Enero 18, 2024 ng 9:03 AM GMT

Nakipagsanib-pwersa kami kamakailan sa BenihBaik sa Indonesia para maghatid ng saya sa mga nangangailangan na pamilya sa Penggilingan. Nakatanggap ang 50 mahihirap na pamilya sa Penggilingan, Cakung District, East Jakarta ng 50 food packs na naglalaman ng mga pangangailangan tulad ng bigas, mantika, tsaa, asukal, kape, at sardinas. Kita ang tuwa sa kanilang mga mukha dahil sa naramdaman nilang pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa. Hindi namin magagawa ito kung wala ang BenihBaik dahil ino-organisa nila ang mga programa sa CSR [..]

post-image

Naghatid ng Tuwa ang XM sa RCHD sa Singapore

Ipinaskil Enero 17, 2024 ng 11:56 AM GMT

Sa isang nakakaantig na kolaborasyon, nakipagsanib-pwersa kami kamakailan sa Red Cross Home for the Disabled (RCHD) sa Singapore para iparanas ang Immersive Disney Animation at magbigay ng tuwa sa mga pinaka-nangangailangan nito. Idinisenyo ang inisyatibang ito para dalhin ang 12 residente ng Red Cross Home na may matinding pisikal o intelektwal na kapansanan sa isang aktibidad na punong-puno ng mahika at pagkamangha, at upang mapabuti ang estado ng kanilang pag-iisip at tulungan silang makahanap ng kasiyahan. Ang RCHD ay ang [..]

post-image

Tumulong ang XM at Transparent Hands sa Pakistan

Ipinaskil Nobyembre 29, 2023 ng 8:42 AM GMT

Ang kalusugan ay ang numero unong isyu na kinakaharap ng bawat isa. Nakakawasak ng damdamin kapag hindi makayanan ng mga komunidad na gamutin ang lahat ng nangangailangan. Dahil dito, masaya kaming nakapag-donate sa NGO na Transparent Hands, na nagsisikap na pabutihin ang sistema ng healthcare sa Pakistan. Gamit ang aming donasyon, tinulungan namin ang Transparent Hands na maglagay ng mobile clinics sa mga mahihirap na lugar sa Pakistan. Mahigit 560 pasyente ang nakatanggap ng libreng medikal na konsultasyon, mga lab [..]

post-image

Suportado ng XM ang mga Nilindol sa Cianjur

Ipinaskil Nobyembre 27, 2023 ng 12:42 PM GMT

Sama-sama tayong babangon laban sa mga nakapamiminsalang kalamidad. Kamakailan, nakipagtulungan ang XM sa NGO na Human Initiative para suportahan ang mga nanay at bata na nakaligtas sa matinding lindol na tumama sa Cianjur. Inilunsad ng XM at ng Human Initiative ang programang SAGITA, na nangangahulugang “Kaibigan sa Kalusugan”. Layunin nitong turuan ang mga bata tungkol sa pagkain at pagpapabuti ng kanilang nutrisyon. Nakilahok ang mga kababaihan sa pagluluto, at nagustuhan nilang lahat ang mga ibinigay na pagkain tulad ng itlog, [..]

post-image

Pagbibigay ng Ayuda sa mga Binaha sa Thessaly

Ipinaskil Nobyembre 8, 2023 ng 12:42 PM GMT

Nitong katapusan ng Setyembre, may matinding baha na tumama sa rehiyon ng Thessaly sa Greece. Sinusubukan pa ring bumangon muli ng mga nawalan ng tahanan, ari-arian, at mga mahal sa buhay. Dahil dito, tumulong ang team namin sa Greece na magbigay ng mga pangangailangan sa mga nasalanta para maibsan ang kanilang paghihikahos. Napakalaking tulong ang ayudang natatanggap kasunod ng isang trahedya. Kaya naman, sa sandaling narinig nila ang balita, agad na kumilos ang aming mga boluntaryo. Bumili sila ng pagkain, [..]

post-image

Suportado ng XM ang Manny Pacquiao Foundation

Ipinaskil Nobyembre 2, 2023 ng 1:37 PM GMT

Ipinagmamalaki ng XM ang pagbibigay nito ng ayuda sa Manny Pacquiao Foundation nitong Setyembre 28. Ang donasyon namin ay mapupunta sa pagsuporta ng marangal na layunin ng Cameleon Association, na tumutuon sa pagkalinga at rehabilitasyon ng mga batang babae na biktima ng pang-aabuso at pananamantala. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa pagpapayo at rehabilitasyon, pati ng ligtas at maayos na tirahan kasama ng mga pang-araw-araw na pangangailangan at mahalagang sikolohikal at medikal na tulong, sigurado kaming nakakatanggap ang mga [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.