Mag-trade ng Forex, Precious Metals, Energies at Equity Indices mula sa 1 Account.
Agad na ma-access ang markets sa buong mundo gamit ang XM MT4 o MT5 trading platforms.

Turbo Stock CFDs – Mga Spreads at Kundisyon

* Pinakamababang lebel sa pag-place ng mga pending na order sa kasalukuyang presyo sa market.

Pwedeng magbago ang kailangang margin bago mag-anunsyo ng kita at/o anumang pagkilos ang korporasyon.

Ang margin ay palaging 50% kapag naghi-hedge ng mga position sa CFDs at kung ang lebel ng iyong margin ay mahigit sa 100%.

Araw-araw nag-e-expire ang turbo stocks, kaya ibig sabihin, awtomatikong iko-close ang lahat ng position sa pagtatapos ng trading day.

Ang stock CFDs ay hindi pisikal na shares kaya hindi ito nagtataglay ng anumang karapatan sa pagboto.

Kapag mayroong naganap na pagkilos ang korporasyon, posibleng magbago ang presyo para tanggalin ang epekto nito sa trading account ng mga kliyente.

Ang petsang nakalagay ay palatandaan lamang at maaaring magbago.

Ano ang Turbo Stocks?

Ang turbo stocks ay CFDs na may pinagbabatayang tiyak na stocks at leverage na 200:1. Nagsisimula ang pag-trade ng turbo stocks sa umpisa ng trading day ng pinagbabatayang asset at nagtatapos sa katapusan ng parehong araw. Magpapatuloy ang prosesong ito kinabukasan.

Ano ang Kailangang Margin sa Turbo Stocks?

Kailangang Margin para sa turbo Stock CFDs = [Lots * Laki ng Contract * Presyo sa Pag-open] / [Mas Mababa (Leverage sa Account, Leverage ng Symbol)]

Tulad ng nakalagay sa formula sa itaas, ang leverage ng position ay ang mas mababa sa pagitan ng leverage sa iyong account at partikular na leverage ng symbol na itini-trade mo.

Halimbawa 1: Nag-trade ang kliyente ng 10 lots ng turbo Amazon CFD sa presyong 100 USD sa pag-open, kung saan USD ang base currency ng account, at 100:1 ang leverage sa account. Gayundin, ang leverage ng symbol na turbo Amazon CFD ay 200:1.

Kailangang margin para sa turbo Amazon CFD position (Halimbawa 1) = (10 * 10 * 100) / 100 = $100

Halimbawa 2: Nag-trade ang kliyente ng 15 lots ng turbo Amazon CFD sa presyong 100 USD sa pag-open, kung saan USD ang base currency ng account, at 500:1 ang leverage sa account. Gayundin, ang leverage ng symbol na turbo Amazon CFD ay 200:1.

Kailangang margin para sa turbo Amazon CFD position (Halimbawa 2) = (15 * 10 * 100) / 200 = $75

Ipakita lahat|Itago lahat

Kailan ako pwedeng mag-trade ng turbo stocks?

Makakapag-open at close ka ng positions anumang oras sa loob ng trading day (halimbawa, pwede kang mag-open ng long Amazon position sa sandaling nagbukas ang trading day at i-close itong position pagkatapos ng 10 minuto).

Ano ang mga kaakibat na singil?

Ang tanging singil sa produktong ito ay ang spread. Walang swap o komisyon na sisingilin.

Kailan iko-close ang position ko at sa anong presyo?

Awtomatikong iko-close ang anumang naka-open na position sa pagtatapos ng trading session, sa huling available na presyo.

Ano ang pinakamataas na leverage para sa turbo stocks?

Pwede kang mag-trade ng turbo stocks na may pinakamataas na leverage na 200:1.

Pwede ba akong makatanggap ng dividends?

Dahil araw-araw iko-close ang mga position, hindi ka pwedeng makatanggap ng dividends kapag nagti-trade ng turbo stocks.

Sa aling platform ako pwedeng mag-trade ng turbo stocks?

Pwede lang mag-trade ng turbo stocks sa MT5 platform.

Sa ano-anong uri ng account ako pwedeng mag-trade ng produktong ito?

Pwede ka lang mag-trade ng turbo stocks gamit ang Standard account.

Paano kinakalkula ang margin?

Ang pagkalkula ng margin ay batay sa mas mababang rate sa pagitan ng iyong account at instrument na itini-trade.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.